-- Advertisements --

Siniguro ng Philippine Air Force (PAF) ang kahandaan nitong i-deploy ang mga air assets sa West Philippine Sea.

Ito ay upang hindi na maulit pa ang pinakahuling Chinese harassment sa Bajo de Masinloc kung saan nagsagawa ng mapanganib na maniobra ang Chinese naval helicopter laban sa aircraft ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsasagawa ng maritime domain awareness flight.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, kung hihilingin ang deployment ng mga air asset nito para suportahan ang iba pang mga operating aircraft, mapa-sibilyan man o military, nakahanda ang PAF na sumuporta.

Gayonpaman, bagaman mandalo ng PAF na magbigay-suporta sa mga sasakyang panghimpapawid na nasa panganib, ang deployment aniya ng mga Air Fore aircraft ay nakadepende pa rin sa guidance ng higher headquarters.

Natanong din si Castillo kung maaaring i-deploy ang fixed wing FA-50PH light jet fighters at A-29B “Super Tucano” attack aircraft para magsilbing escort sa mga civilian maritime patrol plane.

Ayon kay Castillo, handa ang PAF na ideploy ang mga fixed-wing airplane nito sa mga teritoryo ng bansa.