-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Binigyang linaw ng Philippine Air Force na hindi outdated o nga luma bagkus ay naangkop sa pangangailangan ng panahon ang kanilang kagamitan kasama ang mga mapa na ginamit ng mga piloto bilang gabay sa mga sensitibon misyon bilang pagtugon sa pangkalahatan na seguridad ng bansa.

Kasabutan ito ni Col. Ryan Sonza,acting commander ng Philippine Air Force Tactical Operations Wing Eastern Mindanao ukol sa haka-haka na kaya bumagsak ang FA-50 fighter jet na ikinasawi ng dalawa nilang mga piloto ay dahil nabigo ma-detect ang nagtataasang mga bundok sa Bukidnon.

Sinabi ni Sonza na hindi ordinaryong kagamitan ang nasa FA-50 fighter jet kaya hindi tama na husgahan kaagad na ang hindi malinaw na map reading ang sanhi pagbagsak nito na kumitil sa buhay nina Major Jude Salang-oy at 1Lt April John Dadulla nang bumagsak sila sa masukal na kagubatan ng Kalatungan,Brgy Mirayon,Talakag,Bukidnon noong Marso 4 ng madaling araw.

Inihayag ni opisyal na masasagut ang lahat ng mga haka-haka sa binuo na Board of Inquiry na binuo ng 20 iba’t-ibang dalubha sa kani-kanilang mga propesyon upang tukuyin ang dahiln pagbagsak ng fighter jet.

Magugunitang kabilang ang mg biktima na nagbigay aerial support sa 4ID,Philippine troopers na lumusob sa kota ng 70 CPP-NPA fighters sa Cabanglasan,Bukdinon noong madaling araw ng Martes.

Sina Dadulla at Salang-oy ay nakaburol sa Basa Airbase ng Pampanga at nakatakdang iuuwi sa kani-kanilang hometown sa loob ng linggong ito para sa huling pagsaludo at pagrespeto bago ililibing nitong Linggo.

Kung walang pagbabago,nakatakdang ihahatid ng kanyang huling hantungan si Dadulla sa mismong hometown nito sa Manolo Fortich,Bukidnon sa darating na Sabado,Marso 15 kung saan petsa sana na ikakasal siya ng nobya niton na isa ring opisyal ng PAF.