Natanggap na ng Phil Air Force (PAF) ang anim na brandnew na Closed Air Support Aircraft matapos ang ginawang official turn-over mula sa manufacturer nito sa Brazil.
Dahil dito, plano pang bumili ng anim pang eroplanong pandigma ang Department of National Defense (DND) at Philippine Air Force (PAF), ito’y base sa naging pag-uusap ni Défense Secrtary Delfin Lorenzana at Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Allen Paredes.
Ginawa ni Lorenzana ang pahayag,matapos pormal na i-turn over sa Phil. Air Force ng Embraer Defense and Security ng Brazil ang anim na bagong A-29B Super Tucano Close Air support aircraft kahapon.
Sa kanyang mensahe sa turn-over at blessing ceremony ng mga bagong eroplano kahapon, itinuturing ng kalihim bilang Major capability upgrade para sa Philippine Air Force ang karagdagang air-assets.
Sinabi ni Lorenzana na malaking bagay ang air power sa internal security operations, katulad ng karanasan sa Marawi seige, na kung Hindi dahil sa air support ay maaring mas nahirapan ang ground forces na matalo ang kalaban.
Pinuri din ni Lorenzana ang Brazilian supplier ng eroplano sa kanilang mabilis na pag-deliver ng mga eroplano na inabot lang ng humigit kumulang isang taon mula nang magkapirmahan ng kontrata.