-- Advertisements --

PAF5

Nagsagawa ng Air Combat Exercise ang Philippine Air Force (PAF) 5th Fighter Wing na tinawag na “Sanay Sibat 2022-1.”

Ayon kay Philippine Air Force (PAF) Spokesperson Col. Maynard Mariano ang nasabing exercise ay isinagawa nuong February 22 hanggang March 5,2022.

Sinabi ni Mariano ang dalawang linggong exercises ay tinaguriang intensive air-to-air and air-to-ground activities kung saan binibigyang-diin nito ang misyon ng 5th Fighter wing.

Binigyang-linaw din ni Mariano na layon ng Sanay Sibat 2022-1 ay ihanda ang mga Air Force Pilots na i-operate ang bagong Multirole Fighter Aircraft lalo na ang pinakabagong T-129 Atak helicopter na galing sa bansang Turkey na dumating kamakailan lamang.

Dagdag pa ng opisyal na nais din ng PAF na i-evaluate ang kanilang doktrina, tactics at ang tactical readiness in terms sa kanilang capabilities.

Taon-taon nagsasagawa ng training ang PAF 5th Fighter Wing at ngayong taon naka pokus ito sa defensive at offensive counter air techniques, pag execute sa kanilang best tactics at coordination.

PAF4

Inihayag ni Mariano na ang isa sa critical component ng nasabing exercise ay ang skills ng Air Weapon Controllers na siyang eyes and ears ng Air Defense mula sa 580th Aircraft Controller hanggang sa Warning wing ng sa gayon maging maayos at swabe ang ang performance ng mga Fighter pilots.

Ayon naman sa isang senior pilot ang Sanay Sibat exercise ay nagpapakita lamang sa professional competence at ang magandang performance ng mga piloto.

Layon din ng nasabing pagsasanay ang magkaroon ng confidence, integrate leadership at warfighter culture na maaring makapag operate sa himpapawid at sa kalupaan.