-- Advertisements --

Nagsagawa ng rapid damage assessment and needs analysis(RDANA) ang Philippine Air Force sa Central Luzon upang matukoy ang lawak ng pinsalang iniwan ng supertyphoon Pepito.

Kasama ng PAF ang kinatawan ng iba pang ahensiya ng pamahalaan na nakapokus sa disaster response tulad ng Department of Social Welfare and Development(DSWD).

Kabilang sa mga inikutan ng PAF ay ang mga probinsya ng Aurora, Nueva Ecija at Tarlac.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, ito ay isa sa mga kritikal na papel ng air force sa kahandaan, pagtugon, at pagbangon mula sa mga kalamidad.

Sa pamamagitan ng RDNA, inaasahang makakabuo ng komprehensibong damage assessment kasunod ng pagbayo ng bagyong Pepito sa mga natukoy na probinsya.

Magagamit ang naturang report sa paggawa ng akmang tugon sa mga komyunidad na labis na sinalanta ng naturang supertyphoon.