-- Advertisements --

Nanindigan ang Philippine Air Force (PAF) na walang naging military mass resignation sa kanilang hanay kaugnay sa naging pag-aresto kay dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Ayon kay PAF Spokesperson Maj. Joseph Richard Calma, malinaw na wala umanong nangyaring pagbibitiw mula sa kanilang hanay at tinitiyak na nananatiling buo ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

Pagtitiyak ni Calma sa publiko na patuloy na pinaninindigan ng kanilang hanay ang kanilang mandato na pag-ingatan at paigitingin pa ang national security sa loob ng bansa.

Aniya, mananatiling matatag ang kanilang hanay at tiniyak rin na patuloy na poprotektahan ang soberanya ng bansa.

Samantala, sa kabila nito ay binigyang diin ni Calma na mananatili ring tapat at may dedikasyon ang kanilang hukbo lalong lalo na para sa konstitusyon nito.