-- Advertisements --

Patuloy ang isinasagawang extensibong paghahanap ng tracker team ng Philippine Air Force (PAF)sa dalawang piloto na sakay sa nawawalang FA 50 fighter jet ng hukbo.

Ayon kay PAF Spokersperson Col. Maria Consuelo Castillo nagpapatuloy ang paghahanap sa dalawang piloto na pinaniniwalang buhay pa.

“Not yet found po but the ground rescuers are tracking their location based on signal emitted by their personal locator beacons,” mensahe ni Col. Castillo.

Sinabi ni Castillo may indikasyon na “nag-eject” ang dalawang piloto, batay sa kanilang personal locator beacons na na-activate umano “manually.”

Batay sa ulat nagsasagawa ng tactical night operations ang nasabing fighter jet ng bigla itong nawala o missing.

Sa ngayon minobilize na ng PAF ang lahat ng kanilang resources para ma locate ang nawawalang FA 50 fighter jet.

Ang FA-50 ay isang light combat aircraft na manufactured ng Korea Aerospace Industries in partnership sa Lockheed Martin.

Taong 2015 ng magsimula ang Philippine Air Force sa acquisition ng ganitong aircraft model.