Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Air Force na fully operational nang muli ang lahat ng kanilang FA-50 fighter jet.
Maaalalang isinailalim ang lahat ng ito sa inspeksyon matapos na mag crash ang isang unit nito sa Bukidnon kung saan nag resulta sa pagkakasawi ng dalawang piloto nito.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, ang pagsasailalim sa masusing pagsusuri ay upang matiyak kung ligtas pang gamitin ang lahat ng unit.
Aniya , ito ay bahagi ng kanilang Standard Operating Procedure sa naturang sasakyang panghimpapawid matapos ang nagdaang aksidente na kinasangkutan nito.
Kabilang sa kanilang sinuri ay kung walang technical problem ang bahagi ng pakpak nito.
Dahil dito, sinabi ni Castillo na isasabak nang muli sa nalalapit na COPE Thunder Exercises ang naturang eroplano kasama ang mga kinatawan mula sa US.