-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng Philippine Air Force na tutukuyin ang pinaka-ugat na dahilan kung bakit bumagsak ang FA-50 fighter jet na nag-resulta nang pagkasawi ng dalawa nilang piloto sa Mount Kalatungan,Barangay Mirayon,Talakag,Bukidnon.

Kasunod ito ng kompirmasyon ni Philippine Air Force spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo na nasawi nga sina Major Jude Salang-oy at 1 Lt April John Dadulla dahil sa dinaras nila na trahedya noong Martes ng madaling araw.

Ito’y upang maiwasan ng mayroong karagdagang assets nila na makaranas ng katulad sa nangyari sa kanilang fighter jet sa Bukidnon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Castillo na sa pamamagitan ng tamang pagtukoy ng dahilan kung bakit bumagsak ang eroplano ay maiwasan na itong mangyayari sa kanilang hanay.

Magugunitang una nang sinabi ng opisyal na batay sa inisyal na impormasyon na ibinato ng Philippine Army retrieval team na nakatagpo sa lokasyon ng eroplano, halos hirap nang makikilala ang mga piloto dahil sa pagsabog nito dahilan na madaling araw na ng Huwebes tuluyang naibaba sa bundok.

Kung maalala,ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na madaliin ang imbestigasyon patungkol sa pangyayari.

Napag-alaman na isina-ilalim muna ng Scene of the Crime Operatives 10 ng forensic processing ang mga bangkay ng mga biktima habang pansamantala nakaburol sa punerarya bago dalhin sa Villamor Airbase na nagsilbing main headquarters ng Philippine Air Force para sa funeral honor at ibang pagkilala.