-- Advertisements --

Binawi na ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang ipinataw na grounding o pagbabawal na paggamit sa 11 na mga natitirang FA-50 fighter jets.

Kasunod ito sa pagbagsak ng FA-50 fighter na ikinasawi ng dalawang piloto sa probinsiya ng Bukidnon.

Ayon kay Col. Ma. Consuelo Castillo ang tagapagsalita ng PAF na mula pa noong Marso 25 ay naging full operational status ang kanilang FA-50.

Magugunitang noong Marso ng magpasya ang PAF na patawan na huwag munang gamitin ang natitirang 11 FA-50 dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng pagkasawi ng dalawang piloto na sina Major Jude Salang-Oy at First Lieutenant April John Dadulla ng bumagsak sa Mt. Kalatungan sa Bukidnon.

Ang insidente noong Marso 4 ay unang naitalang aksidente mula ng mabili ng gobyerno ang 12 FA-50 fighter jests mula sa Korea Aerosapce Industries (KAI).

Nasa ‘final stage’ na umano ang isinasagawa nilang imbestigasyon.