-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na “air worthy” ang lahat ng kanilang UH-1D choppers na dumaan sa masusing inspection at talagang nailipad na.

Ayon kay Air Force spokesperson Col. Antonio Francisco na ang nangyaring pagbagsak ng isang UH-1D sa Tanay, Rizal ay aksidente at walang may gusto na mangyari ito.

Sinabi ni Francisco na bago pa man ilipad ang mga eroplano at helicopters ay dumadaan ito sa 360 degrees na inspection upang matiyak na air worthy ang kanilang mga aircraft.

Kwento ng opisyal na magmula ng bilhin nuong 2014 ang mga UH-1D aircraft ay ito ang ikalawang beses na nagkaroon ng aksidente.

Siniguro din ng PAF na well trained ang lahat ng kanilang mga piloto.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Philippine Air Force kaugnay sa bumagsak na choppers nuong Huwebes na ikinasawi ng tatlong indibidwal habang isa ang sugatan.

Inaalam na rin ng probe team ang puno’t dulo na sanhi ng pagbagsak gaya ng mayroon bang mga obstacles gaya ng bird strike o mechanical figure ang nangyari.

Sa kabilang dako, nuong Biyernes inuwi na sa kanilang mga pamilya ang labi ng tatlong nasawi kabilang ang isang piloto at dalawang crew.

Ayon sa PAF makakatanggap ng financial na tulong ang mga pamilya ng mga nasawi bukod pa sa makukuha nilang benepisyo.