-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na “well-maintened” ang bumagsak na UH-1H helicopter kahapon sa Bukidnon kung saan pitong indibidwal ang nasawi kabilang ang apat na crew ng nasabing chopper.


Ayon kay Philippine Air Force (PAF) Spokesperson Lt. Col. Aristides sa ngayon hindi pa nila batid kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing helicopter sa kabila na well-maintened ang lahat ng kanilang mga aircraft at dumadaan ito sa masusing inspection bago ito lumilipad.

Pabalik na ang nasabing helicopter matapos ang isinagawang resupply ng mangyari ang aksidente.

Sinabi ni Galang na sa kabila na may kalumaan na ang nasabing aircraft, ang mga parts at components nito ay mga brandnew.

Sa ngayon nagpadala na ng investigating team ang Philippine Air Force (PAF) para imbestigahan ang nasabing aksidente.

Sa kabilang dako, dahil sa insidente grounded muna ang lahat ng mga UH-1H helicopters habang ongoing ang investigation.

Nagdadalamhati ngayon ang buong Philippine Air Force (PAF) dahil sa pagpanaw ng kanilang mga kasamahan.

“The men and women of the Philippine Air Force (PAF) led by the Commanding General, Lt Gen. Allen Paredes, deeply grieves and extends the Command’s sympathies to the families of the brave heroes who have offered their lives in the line of duty,” pahayag ng Philippine Air Force (PAF).

Siniguro naman ng PAF na lahat ng kaukulang tulong para sa mga kaanak ng mga namatay na crew.