-- Advertisements --
e gates at NAIA PNA Photo
e gates at NAIA PNA Photo

BAGUIO CITY – Hindi solusyon ang pag-aabroad ng isang ina para mabigyan ng magandang kinabukasan para sa kanyang anak ayon sa isang pahayag ng isang ina kasabay ng Mother’s Day Special ng Bombo Radyo- Baguio ngayong araw.

Ayon kay Hilda Delizo, inisip niyang magtrabaho sa ibang bansa pagkatapos ng pag-iwan sa kanya ng kanyang asawa subalit hindi niya ito itinuloy dahil inisip niya ang kahihinatnan ng kanyang apat na anak kung sakaling iiwan niya ang mga ito.

Sinabi niya na gusto niyang siya mismo ang mag-alaga at magpalaki sa kanyang mga anak dahil naniniwala siya nga nasa mabuting kalagayan ang mga anak kung may inang gumagabay sa kanila.

Ayaw din niyang matulad ang kanyang mga anak sa nga napariwarang anak ng ilan sa mga OFW na nanay kung saan karamihan sa mga anak ng mga ito ang nalulong sa masamang bisyo at maagang nakipag-asawa.

Aniya, walang silbi ang pera kung buhay at kinabukasan naman ng anak niya ang mapariwara.