CENTRAL MINDANAO-Magiging bahagi na ng income-generating project at livelihood ng mga piling magsasaka and beekeeping o pag-aalaga ng mga bubuyog na nagbibigay ng honey o pulot.
Ito ay matapos ang ginawang benchmarking activity para sa beekeeping ng City Government ng Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista kasama sina CPMIU Head Atty William M. Angos, City Agriculturist Marissa T. Aton, at Supervising Tourism Officer Gillan Ray T. Lonzaga sa BEENGO Farm Proprietors sa mga probinsiya ng Quezon at Rizal nitong Nov. 5-6, 2022.
Sa naturang aktibidad, nakakuha ng inisyal na kaalaman sa Apiculture o beekeeping si Mayor Evangelista at mga kasama at nagkaroon din ng pagkakataon na makita ang mga bee farms sa lugar.
Sinabi ng alkalde na may malaking papel ang mga bubuyog sa pananatili ng balanse o natural balance ng ating eco-system at ang produksyon ng honey o pulot at iba pang direct at by-products ng beekeeping ay mahalaga sa nutrisyon at maging medicinal purpose.
Kaya naman matapos ang benchmarking activity at isinunod din agad ang training para sa Apiculture o beekeeping management sa City Cooperative Development Center o CCDC, Barangay Magsaysay Nov. 17-18, 2022) at workshop proper sa Barangay Balabag (Nov. 19, 2022), Kidapawan City.
Abot sa 20 mga piling mga indibidwal ang sumailalim sa magkasunod na aktibidad at kasama pa rin dito si Mayor Evangelista.
Sina David John Pineda at Gary Ayuste na mga consultants mula sa BEENGO Farm Proprietors ang nagbigay ng kaalaman sa mga partisipante tulad ng paghahanap ng tamang lokasyon para sa beekeeping project at paghahanda nito, paglalagay ng mga bubuyog, pagpapakain, wastong pagpapalago ng beehive at iba pa.
Isa itong magandang pagkakataon upang mapalago ang beekeeping at maging regular itong livelihood ng mga magsasaka sa lungsod.
Samantala, naitatag na din ang Highlands United Bee Keepers Association of Kidapawan o HUBAK.
Ang mga opisyales nito ay ang mga sumusunod: President – Mark Joshua Padua, Vice-President – Richard Narciso, Secretary – Julira Manibpel, Treasurer – Rackel Padua, Auditor- Dennis Caaya, PIO- Ren Heart, Business Managers – Selut Haliluya at Grace Alvarez.
Kaugnay nito, inaasahang magtutuluy-tuloy na ang beekeeping project at magiging matagumpay ito sa pamamagitan ng kooperasyon at pagtutulungan ng mga miyembro/benepisyaryo at ng City Government of Kidapawan.