-- Advertisements --
Inihayag ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) na kinakailangang mag-angkat ng bigas dahil maaaring tumaas pa ang presyo nito ng P2 hanggang P4 kada kilo.
Dapat aniyang direktang makipag-negosasyon ang Pilipinas sa ibang bansa para masiguro ang suplay ng bigas.
Gayunpaman, sinabi ng Department of Agriculture na bawal ang gobyerno na mag-import maliban kung may kakulangan.
Batay sa United Nations Food and Administration Organization Rice Price Index, umabot na sa 12-year high ang presyo ng bigas dahil sa mahigpit na supply at mataas na presyo sa ilang bansang nagluluwas ng bigas tulad ng Vietnam.