Ipinag-utos ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang pansamantalang suspensiyon ng pag-aangkat ng sibuyas hanggang sa Mayo dahil mayroon naman aniyang sapat na suplay.
Ito ay sa bisa na rin ng inisyung direktiba ng kalihim para mapigilan din ang lalo pang pagsipa ng presyo ng mga sibuyas sakaling magkaroon ng labis na suplay.
Ayon sa DA, ang mataas na suplay ay nagpababa sa farm gate prices ng sibuyas sa pagitan ng P50 at P70 kada kilo at maaaring lalo pang bumaba kapag mas maraming sibuyas ang maani sa Pebrero.
Sa ilang lugar sa Nueva Ecija na nakakapag-produce ng katumbas ng 97% ng produksiyon ng sibuyas sa Luzon, bumagsak ang farm gate price ng hanggang P20 kada kilo.
Kaugnay nito, nakipagkita si Sec. Laurel sa mga kinatawan ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) nitong huwebes kung saan kanilang tinalakay ang pagtaas ng domestic supply ng sibuyas dahil sa bagong mga ani at pagdating ng karadagang suplay sa Disyembre.
Ilan pa sa dahilan ng pagtaas ng suplay ay ang pagkaantala ng pagdating ng 99 tonelada ng sibuyas na inangkat noong Disyembre na dumating na sa bansa sa pagitan ng Enero 1 at 15.
Bunsod nito, sinabi ng DA na ang pagkaantala ng importasyon ay maaaring mapalawig pa hnaggang sa Hulyo.