Pinapahintulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) na magapply sa kanilang tanggapan bilang mga agent ng ahensya ang kahit sinong graduate ng kahit anong kurso at nakapasa na sa board exams.
Ayon kay NBI Dir. Jaime Santiago, kung dati ang mga tinatanggap lamang aniya sa kahilang opisina ay mga abogado at mga certified public accountant (CPA), ngayon ay maaari at bukas na sa mga board passers mula sa iba’t ibang kurso ang maaari na ring magapply.
Ngayon kasi ay patuloy na nagrerecruit ang ahensya ng mga bagong agents para sa mga operasyon sa hinaharap.
Samantala, hinikayat naman ng direktor ang publiko na nais mag apply sa kanilang tanggapan.
Aniya, marami pang bakante at patuloy na tatanggap ang kanilang ahensya para sa bagong agents na huhulmahin ng kanilang opisina.