-- Advertisements --
Posibleng simulan na ng Department of Science and Technology (DOST) sa susunod na buwan ang pag-aaral sa paghahalo ng mga COVID-19 vaccine.
Sinabi ni DOST Secretary Fortunato de la Pena na kumukuha pa lamang sila ng approval mula sa Food and Drug Administration (FDA) at sa Philippine Health Research Ethics Board.
Kapag kumpleto na aniya ang mga dokumento ay masisimulan na ang pag-aaral sa Hunyo.
Ang nasabing pag-aaral na gagawin aniya ng Philippine Society for Allergy, Asthma and Immunology ay magtatagal ng hanggang 18 buwan at ito ay sasalihan ng 1,200 participants.
Kapag naaprubahan na ang nasabing paghahalo ng dalawang uri ng COVID-19 vaccine ay makakatulong ito lalo na sa kakulangan ng bakuna laban sa COVID-19.