Nagsasagawa na ang Department of Transportation ng overhauling sa kabuuan ng Mindanao Railway Project.
Layon nito na mabigyan ng focus ang pagkakaroon ng moderno at environment-friendly technology para sa naturang proyekto.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, minamadali na rin nila ang isinasagawang feasibility study dito na siya naman aniyang tinatrabaho ng kanilang mga consultant.
Tiniyak rin ng kalihim na matatapos ang naturang proyekto sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Kung maaalala, noong February ng kasalukuyang taon ay inanunsyo ng ahensya ang pagsisimula ng pre-construction activities para sa naturang proyekto.
Kabilang dito ang lupa na pagdadaanan ng Mindanao Railway Project, alignment at lugar na paglilipatan ng mga residenteng maaapektuhan.
Magpapatuloy rin aniya ang mga trabahong ito habang naghahanap ang ahensya ng pondo para sa proyekto matapos na ibasura ang pagpopondo ng China.
Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa DBM para makapaghanap ng pondo para dito.