Kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) nakatakda ng makumpleto sa loob ng dalawang buwan ang ginawa nilang pag-aaral kaugnay sa Executive Order No.138.
Ayon kay DBM Director John Aries Macaspac,ito ay kasunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pag-aralan ng maigie ang implementasyon ng full devolution at bigyang konsiderasyon ang overall capacities ng local government units at tignan ang partikular na functions and services na maaaring panatilihin ng national government.
“So these are basically those that cannot really be implemented by the local government units taking into consideration their technical and financial capacity and then we will also identify those that could already be implemented by the local governments,” pahayag ni Macaspac.
Ayon kay Macaspac, matapos makumpleto ang pag-aaral, imumungkahi ng DBM ang mga kinakailangang rekomendasyon sa Chief Executive upang mag-isyu at magsilbing gabay ng mga local government units at mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng full devolution.
Ipinunto ng DBM official na posibleng kanilang irekumenda ang pag-amyenda sa Executive Order 138, at maglabas ng kaukulang implementing guidelines.
“And the local government units, as well as the national government agencies concerned will be duly informed, capacitated and, well, they will be informed of this policy directives for the full, efficient and effective implementation of this full devolution effort of the government,” punto ni Macaspac.
Sinabi ni Macaspac, habang nagpapatuloy ang pag-aaral, ang pambansang pamahalaan ay patuloy na magbibigay ng kinakailangang suporta sa mga lokal na pamahalaan partikular sa mga programa at interbensyon sa pagpapalaki ng kapasidad, ang patuloy na pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga LGU sa anyo ng pondo ng suporta ng lokal na pamahalaan.
Inisyu ang EO 138, s. 2021 para suportahan ang mahusay na pagpapatupad sa SC ruling sa Mandanas-Garcia case at palalakasin ang autonomy at empowerment ng mga LGUs.
Ipinasiya ng Supreme Court noong 2018 na ang makatarungang bahagi ng mga LGU mula sa mga pambansang buwis ay hindi limitado sa “national internal revenue taxes” na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at iba pang ahensya ng pangongolekta ng buwis.
Sa ilalim ng Mandanas ruling, inaatasan ang pambansang pamahalaan na palawakin ang bahagi ng mga LGU sa pangongolekta ng buwis.
Inaatasan din ang mga LGU na pangasiwaan ang responsibilidad ng pagpapatakbo ng mga serbisyong panlipunan tulad ng agrikultura, koneksyon at kalusugan sa loob ng kanilang mga nasasakupan.