Target na makumpleto ang pag-aaral sa posibleng umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno sa katapusan ng Hunyo ng kasalukuyang taon ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sa ngayon, isinasapinal na ng Compensation and Benefits Study ang salary adjustments para sa mga manggagawa ng gobyerno.
Ayon sa DBM, masusing pinagaaralan ang iba’t ibang mga aspeto ng kasalukuyang compensation system kabilang ang mga sahod, mga benepisyo at allowances para matukoy ang mga dapat pang pag ibayuhin.
Ang magiging resulta din ng pag-aaral ay siyang magiging basehan para gawin ang kinakailangang mga pagbabago sa Total Compensation Framework ng civilian government personnel para matiyak ang patas at napapanahong salary adjustment para sa mga empleyado ng gobyerno.
Sa oras na matapos na ang pag-aaral, iprepresenta ang mga resulta sa DBM at sa Governance Commission of GOCCs.