Labis na ikinagalit ng Malacañang ang pag-abandona ng mga Chinese crew sa 22 mangingisdang Pilipinong sakay ng bangkang nakabanggaan ng Chinese vessel sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang ginawang pag-iwan ng mga Chinese crew sa mga Pinoy fishermen ay gawain ng mga hindi sibilisado at sobrang nakakagalit.
Ayon kay Sec. Panelo, aksidente man o sinadya ang banggaan, dapat agad sanang iniligtas ang mga crew ng lumubog na Philippine vessel kung disente at makatao ang mga nasabing Chinese crew.
Inihayag ni Sec. Panelo na ang kasalukuyang territorial dispute ng Pilipinas at China ay hindi dapat hadlang sa pagtulong ng Chinese crew sa mga Pilipinong nasa peligro.
Kaya iginiit ni Sec. Panelo na ang pag-abandona ng mga Chinese crew sa mga Pinoy fishermen ay barbaric at paglabag sa maritime protocols partikular ang pagtulong sa anumang distressed vessel sa karagatan.
“The act of abandonment, by those sailing the Chinese fishing vessel of twenty two ( 22 ) Filipino fishermen aboard their anchored and stationary watercraft hit by them, is uncivilised as it is outrageous,” ani Sec. Panelo.
“Such act of desertion is inhuman as it is barbaric. It is crystal-clear violation of maritime protocols as well as an infringement of internationally accepted practice of assisting a vessel in distress.”