Walang probisyon sa international law na nagbibigay ng sanction sa kabiguan ng mga crew members ng isang barko na magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan.
Sa isang Philippine Statement na kanyang inilahad sa 29th meeting ng State Parties to the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kahapon (araw sa Pilipinas), ibinahagi ni si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang insidenteng nangyari noong Hunyo 9, 2019 kung saan binangga ng isang Chinese vessel ang isang Filipino fishing boat.
Nabatid na inabandona ng Chinese vessel ang 22 mangingisdang Pilipino na lulan ng lumubog na bangka.
Iginiit ni Locsin na “universally recognized obligation” ng bawat tao at gobyerno ang pag-rescue sa mga taong nangangailangan ng tulong.
Maituturing na “felony” aniya ang pag-abandona sa mga nangangailangan ng tulong, lalo na kung tayo ang siyang dahilan ng problema.
“While no sanction is available in international law, it should be a cause of concern,” ani Locsin.
Kaugnay nito, tinukoy ni Locsin ang Article 33 ng UNCLOS na nag-oobliga sa mga miyembro nito na magpaabot ng tulong sa nangangailangan nito katulad na lamang sa mga mangingisdang biktima ng Chinese vessel.