-- Advertisements --
Humakot ng sari-saring reaksiyon ang pag-abswelto ng US prosecutors sa 18-anyos na si Kyle Rittenhouse mula sa kasong homicide at sa lahat ng kasong inihabla laban sa kaniya matapos katigan ito ng korte.
Ilang mga Americans ang nagpahayag ng galit at pangamba sa kinalabasan ng kaso sa kabila nito nananawagan naman si US President Joe Biden sa Americans na magpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa isyu sa mapayapang paraan.
Una rito, pinagbabaril ni Rittenhouse sina Joseph Rosenbaum, 36, and Anthony Huber, 26, at naiwang sugatan naman ang 27-year-old na si Gaige Grosskreutz na pawang mga Americans.
Limang kaso ang isinampa laban sa kaniya kabilang na ang intentional homicide na may kaakibat na life sentence.