Umaasa ang mga ahensiya ng gobyerno na maiibsan na ang pag-abuso ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa Pilipinas matapos na pagtibayin ang bagong guidelines na may kinalaman sa special work permits (SWP).
Una nang nagpirmahan sa joint guidelines ang apat na mga ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan ng Department of Labor and Employment (Dole), Department of Justice (DOJ), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Immigration na maghihigpit pa sa mga dayuihan na nagtatrabaho sa bansa.
Ang naturang hakbang ay kasunod na rin sa alegasyon na ilang mga Chinese nationals ang pinapayagang makapagtrabaho sa bansa tulad sa construction sector na para lamang sana sa mga Pinoy at hindi pa nagbabayad ng buwis.
Sa ilalim ng bagong guidelines, nilimitahan lamang ang mga dayuhan sa 15 mga job categories.
Nakapaloob sa patakaran na ang isang dayuhan na binigyan ng special work permits sa ilalim ng tourist visa ay puwede makapagtrabaho lamang sa loob ng anim na buwan.
Ang SWP ay isang beses lamang ibinibigay at maaring makapag-apply halimbawa makalipas ang anim na buwan ay bumalik sa kanyang pinanggalingan at babalik na naman ng Pilipinas para mag-apply muli.
Ang mga trabaho na pupuwede lamang sa mga dayuhan na iisyuhan ng working permits ng Bureau of Immigration ay ang mga sumusunod: mga professional athletes, coaches, trainers and assistants; international performers with exceptional abilities; artists, performers at kanilang staff na binabayaran; service suppliers na may temporary services at hindi susuweldo sa Pilipinas liban lamang sa gagastusin dahil sa kanilang pansamantalang pananatili.
Nasa listahan din na papayagan lamang amg mga foreigners kung sila ay mga treasure hunters na inotorisa ng gobyerno para maghanap ng hidden treasures, movie at TV crew, journalists, trainees sa mga GOCCs at private entities; lecturers, researchers at nagsasagawa ng academic work; religious missionaries and preachers; commercial models and talents; culinary specialists/chefs; professionals; consultants o kaya mga specialists.
“This Joint Guidelines aims to clarify and harmoniez existing regulations on the issuance of appropriate permits to all foreign nationals who intend to work, perform specific activities, and/or render services in the Philippines, whether in the context of an employment arrangement or otherwise,” bahagi pa ng paliwanag sa guidelines on the issuance of work and employment permits to foreign nationals.
Samantala, magiging epektibo ang nasabing mga polisiya makalipas ang 15 araw makaraang mailathala sa para sa national publication.