-- Advertisements --

NAGA CITY – Binigyan diin ng isang environmental science student ang kahalagahan ng pag-activate nang material recovery facilities (MRF) sa iba’t ibang lokal na barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jasper Felezmiño, isang Environmental Science Student sa Central Bicol State University of Agriculture, sinabi nito na kanyang naoobserbahan na hindi masyadong binibigyang pansin ng gobyerno ang MRF.

Kung meron naman walang sapat na kaalaman ang nasa barangay kung paano ito mapapangasiwaan ng tama.

Ayon pa kay Felezmiño, malaki ang maitutulong ng MRF pagdating sa pag-obserba sa tamang segregation ng mga basura lalo na at ang mga naturang basura maaring gamitin sa ibang proyekto.

Dahil dito iminungkahi ni Felezmiño na magkaroon ng mga seminars at awareness project sa bawat barangay at dapat na ma-tap ang mga local na barangay unit upang mapangasiwaan ng maayos ang kanilang basura.

Samanatala, naniniwala si Felezmino na ang maliit na bagay na ginagawa sa mundo ay maaring maka-create nang malaking epekto sa ating mundo.