-- Advertisements --

Dinepensahan ng pamunuan ng PMAAAI (Philippine Military Academy Alumni Association, Inc.) ang pag-adopt nila kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang honorary member ng PMAAAI.

Ayon kay PMAAAI chairman Anselmo Avelino, walang halong pulitika ang pag adopt nila sa pangulo.

Pahayag ni Avelino na gusto nila ang mga programa at kampanya ng pangulo lalo na sa iligal na droga, korupsyon, at terorismo.

Ilan sa miyembro ng PMAAAI ay mga top official ng AFP habang ang iba ay may pwesto sa pamahalaan o miyembro ng kabinete ng pangulo.

Ang pinakamatandang cavalier na dumalo ay si Delfin Castro na 91-anyos na miyembro ng PMA class 1951.

Habang ang pinaka bata naman ay si Karl Angelo Torres, 22-anyos at miyembro ng PMA class 2016.