DAVAO CITY – Napuno umano ng emosyon ang pag-alala ng Amerika sa ika-20 taong anibersaryo ng September 11 attack kung saan nasa halos 3,000 ang nasawi.
Ayon kay Bombo International correspondent Vince Dequinan na nakabase sa New York, nag-alay ng dasal ang buong Amerika na una ng dinaluhan ng mga dating Presidente at kasalukuyang US President Joe Biden.
May isinagawa rin na fireworks display bilang pag-alala sa mga namatay ng trahediya.
Sa kasagsagan umano ng pagdarasal hindi umano naiwasan ng mga kamag-anak na maging emosyonal dahil naaalala nila ang kanilang mga pamilya na nasawi.
Dagdag pa ni Dequinan na binibigyan ngayon ng importansiya ng Amerika ang nasabing insidente lalo na sa mismong ground zero o lugar kung saan gumuho ang world trade center ito ay dahil makikita dito ang mga inukit na pangalan ng mga biktima kung saan bukas ito sa publiko para makapag-alay ng bulaklak.
Bakas pa rin umano ngayon sa Amerika ang hindi malilimutang pangyayari sa tinatawag nilang pinakamalungkot na bahagi sa kanilang buhay.