KALIBO, Aklan — Pabor ang Philippine Press Institute sa panukala ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na alisin na ang presensiya ng media sa anti-drug operations at inventory ng ebidensiya.
Ayon kay Ariel Sevilleno, Executive Director ng Philippine Press Institute na bago pa ang panawagan ng PTFoMS na myendahan ang specific provisions ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay mayroon na silang kahalintulad na kampanya noon ukol dito.
Isa aniya sa requirements ng RA 9165 ay ang presensiya ng media sa mga isinasagawang anti-illegal drugs operations, maliban sa barangay officials at DoJ representatives.
Paborabli umano ito sa mga miyembro ng media dahil mababawasan ang peligro sa kanilang buhay lalo pa at pinapatestigo ang mga ito sa korte kapag nililitis ang kaso.
Dagdag pa ni Sevilleno na hindi nangangahulugan na kung wala ang presensiya ng media ay hindi na magbibigay ng impormasyon ang mga pulis.
Giit pa nito na kapag may mga kuwestiyon sa anti-illegal drug operations ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), dapat na maging handa ang mga ito sa pagpapalabas ng mga kaukulang dokumento lalo na ang recording ng kanilang body cameras.
Dahil pinayagan na umano ng Korte Suprema ang paggamit ng body cameras sa anti-illegal drug operations, hindi na kailangan dito ang presensiya ng media, kun saan mas kapani-paniwala pa ang kuha ng mga ito.