-- Advertisements --
Nanindigan si US President Joe Biden na hindi na nila papalawigin ang pag-alis sa mga sundalo nila na nakatalaga sa Afghanistan.
Sinabi nito na susunod sila sa naging kasunduan sa Taliban na tatanggalin na nila ang kanilang mga sundalo hanggang Agosto 31.
Mula pa noong Agosto 14 ay aabot na rin sa mahigit 70,000 na mga US citizens ang nailikas palabas ng Afghanistan.
Nagbigay din ng update ang US president sa isinagawang virtual G7 summit kung saan tiniyak nila ang kanilang pagsasama-sama sa hamon na nangyayari sa Afghanistan.
Nagtutulungan ang iba’t-ibang bansa para sa ligtas na mailikas ang mga nais na umalis sa Afghanistan matapos na kontrolin ng Taliban ang gobyerno.