Nagbabala si Manila Representative Bienvenido Abante na ang pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa kanyang brutal na war on drugs ay maaaring maging daan para sa lokal at internasyonal na pag-uusig.
Ginawa ni Duterte ang pahayag sa ginanap na pagdinig sa Senado at sinabing inaako nito ang buong responsibilidad para sa mga aksyon ng pulisya sa panahon ng kanyang agresibong kampanya laban sa droga at iginiit na siya lamang ang dapat managot kaysa sa mga opisyal na sumunod sa kanyang mga utos.
Si Duterte ay kilala sa kanyang matigas na paninindigan sa krimen at madalas na kontrobersyal na retorika, ay nagpahayag na ang kanyang patakaran ay hindi dapat kwestiyunin at hindi ito nag-aalok ng paumanhin.
Sinabi ni Abante, bahagi ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga di-umano’y extrajudicial killings na nauugnay sa drug war ni Duterte, na ang pahayag ng dating pangulo ay maaaring humantong sa pinaigting na pagsisiyasat at potensyal na legal na epekto.
Giit pa ni Abante na na alam ng dating Pangulo ang implikasyon ng kaniyang pag-amin.
Sa isinagawang pagdinig ng Senado, gumawa ng pasabog ang dating pangulo at sinabing bumuo ng seven-man hit squad na kilalang Davao Death Squad (DDS) sa pamumuno ng dating PNP chiefs, kabilang si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Bagamat hindi naman direktang inamin ni Duterte na kaniyang ipinag-utos ang summary killing.
Ipinunto ni Abante na hindi siya kontra sa war on drugs ng dating administrasyon subalit hindi siya pabor sa patayan.