LEGAZPI CITY- Sinabi ng Commission on Elections Bicol na napapanahon na ang pag-amyenda sa ilang mga election law sa Pilipinas.
Ito ay dahil hindi na umano nakakasabay ang ilang mga batas sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa.
Ayon kay Commission on Elections Bicol Director Atty. Jane Valeza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kabilang sa mga nakikita nilang kailangang ma-amyendahan ay ang expenditures.
Paliwanag ng opisyal na tila naglolokohan lamang umano sa P3 hanggang P10 na budget ng politiko sa kada kandidato.
Sinabi ni Valeza na alam naman ng lahat na bilyones ang ginagastos ng mga politiko sa panahon ng pangangampanya, lalo na ang mga tumatakbo sa national position.
Maliban dito ay dapat na malinawan umano kung anong mga aktibidad tuwing campaign period ang maituturing na bilang election offence.