KALIBO, Aklan — Dahil nagagamit sa korupsyon kagaya ng “pastillas” operation, iminungkahi ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na panahon na upang amyendahan ang lumang Immigration Law.
Layunin umano nito na maisaayos ang immigration policy ng bansa lalo na sa pag-isyu ng permit sa mga dayuhang nagnanais na magtrabaho sa bansa kasunod ng matinding isyu sa illegal foreign workers sa Philippine offshore gaming operations (POGOs).
Hindi na umano ito angkop sa ipinapatupad na batas kagaya ng labor taxation, turismo, border security at iba pa.
Sa kasalukuyan umano ay may mga nakahain nang panukala kaugnay nito.
Samantala, sinabi ni Cong. Zarate na sa darating na Marso 11 ay muling tatalakayin ng Kongreso ang kanyang inihaing resolusyon na nag-iimbestiga sa POGO operations sa bansa kasama ng mga kakambal na krimen.
Ayon sa kanya na dahil sa operasyon ng mga POGO ay naglabasan na rin ang problema ng money laundering, loan sharking, illegal drugs, illegal immigration at human trafficking.