CAUAYAN CITY- Tuluyan ng lumusot sa House committee on constitutional amendments ang panukalang amyendahan ang saligang batas.
Sa naging ng Bombo Radyo Cauayan kay Cong. Antonio Tonypet Albano, kasapi ng Committee on constitutional amendments, sinabi niya naipasa na nila ang panukalang maamiyendahan ang saligang batas partikular ang pagpapalawig sa termino ng bawat mambabatas na sa halip na tatlong taon ay gagawing limang taon kada isang termino.
Aniya maliban sa mga termino ng mga mambabatas ay mababago rin ang termino ng mga senador kung saan ang dating anim taon ay bababa ng limang taon sa tatlong termino gayundin ang pagkakaroon ng mga senador na regional in nature at hindi na national elected na naglalayong maiwasan na ang pagkakaroon ng mga senador na magmumula sa mga rich voting population sa bansa.
Maliban sa pagtapyas at pagpapalawig ng termino ng mga mambabatas ay ipinanukala rin nila sa constitutional amendments na ang boto para sa bise presidente at presidente ng bansa ay maging iisang set back na lamang, nangangahulugan na kung mananalo ang isang tumatakbong presidente ng bansa ay awtomatikong mananalo na rin ang katandem nito sa pagka-bise presidente.
Habang sa economic reforms ay nakatakdang mapalitan ang ilang probisyon nito.
Nilinaw naman niya na hindi sakop ng term extension ang mga mambabatas sa ilalim ng 18th Congress.