-- Advertisements --
Sinusuri na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang volcanic fissures na namataan malapit sa Taal volcano.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, ang fissures na nakita sa Lemery, Batangas ay bahagi lamang ng epekto ng aktibo pa ring abnormalidad sa ilalim ng bulkan.
Una rito, nagdulot ng takot sa mga residente ang pag-angat ng lupa at pagkatibag ng kalsada at mga bahay dahil sa mga pagyanig.
Sa nakalipas na magdamag kasi ay may lava fountaining pa rin ngunit hindi ito gaanong makita kung hindi gagamitan ng special gadgets.
Sa monitoring ng Phivolcs, nasa mahigit 200 volcanic quakes na ang nai-record ng ahensya at mahigit 40 sa mga ito ay naramdaman sa lalawigan ng Batangas at mga karatig na lugar.