-- Advertisements --
barrier

Pinayagan na ng gobyerno ang pag-angkas sa motorsiklo ng walang nakalagay na barrier o harang sa pagitan ng driver at angkas nito.

Ayon kay Joint Task Force commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mayroong mga kondisyon inilatag ang National Task Force (NTF) against COVID-19 na susundin ng mga riders.

Isa rito ay mahigpit lamang na dapat aangkas ng walang divider ay kapag sila ay naninirahan sa iisang bahay lamang.

Ang mga driver at angkas nito na hindi naninirahan sa iisang bahay ay kailangan pa ring gumamit ng harang o barrier.

Ang mga rider naman na may angkas na essential workers ay maaaring hindi APOR o authorized persons outside residence.

Dapat rin na ang motorsiklo ay privately owned at hindi ito ipinapasada.

Mahalaga ring dapat nakasuot ng face mask ang rider at angkas nito para hindi sila mamultahan at mahuli.

Ipapaubaya naman ni Gen. Eleazar sa bawat local government units kung susundin ba ang ipinatupad na panuntunan sa pag-aangkas.

Magugunitang umani ng batikos ang planong paglalagay ng PNP at Department of Interior and Local Government (DILG) ng mga barrier na nakalagay sa driver para maiwasan ang pagkalat ng virus.