Nagpaliwanag ang sugarcane regulatory Administration sa pangangailangang mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa.
Kahapon nang opisyal na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-angkat muli ng 150,000 metrikong tonalada ng asukal dahil sa posibilidad ng kakulangan sa mga darating na buwan.
Ayon sa SRA, magkakaroon ng negative ending stock ang bansa ng hanggang sa 552,835 metrikong tonelada pagsapit ng Agosto 2023. Ito ay kasabay na ng pagtatapos ng milling season.
Kung hindi mag-aangkat ang bansa ng sapat na supply ng asukal, tiyak umanong kukulangin na ang supply nito sa merkado.
Batay sa pagtaya ng SRA, maaaring abutin lamang sa 2.4 Million metric tons ang local production ngayong taon, na pinapaniwalaang kukulangin para tugunan ang pangangailangan ng mga consumer sa bansa.
Paliwanag ng SRA, ang 150,000 metriko tonelada ng asukal na aangkatin ay maaaring madamit upang pantustus sa anumang kakulangan ng supply nito sa mga merkado.