-- Advertisements --
image 181

Inaprubahan ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang importasyon ng nasa 25,000 metric tons ng frozen fish commodities para matustusan ang lokal na suplay.

Ayon sa BFAR, ginawa ang naturang hakbang salig sa guidelines ng Special order 1002 sa gitna na rin ng closed fishing season na nagsimula noong November 1 at magtatapos sa January 2023.

Saad pa ng Bureau na kanilang inisyu ang Certificate of Necessity to Import (CNI) ng 25,000 MT ng partikular na mga produktong isda para matiyak ang patuloy at sapat na suplay ng mga isda para sa mga mamimili at para ma-stabilize ang mga presyo sa merkado.

Kabilang sa mga frozen fish commodities na aangkatin ay ang round scad, bigeye scad, mackerel, bonito, at moonfish kung saan nasa 80% dito ay ilalaan para sa commercial sector habang ibibigay naman ang natitirang 20% para sa fishing cooperatives.

Tiniyak naman ng BFAR sa publiko ang pagsunod sa striktong mga guidelines at striktong babantayan ang importasyon at unloading activities para masigurong ligtas ang mga aangkating isda na papasok sa mga merkado sa bansa at ligtas para sa human consumption.