-- Advertisements --
ASUKAL DAGUPAN

Inaprubahan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board ang plano sa pag-aangkat ng 440,000 metric tons ng refined sugar.

Layon nito na palakihin ang supply at patatagin ang mga presyo ng sweetener ngayong taon.

Inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board member-planters’ representative Pablo Luis Azcona na inaaprubahan ito sa ginawang pulong ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board.

Nang tanungin tungkol sa Sugar Order, sinabi niya na ito ay para sa publikasyon at ilalabas ng Office of the President.

Aniya, kahit inaprubahan at nilagdaan na ito ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board, kailangan pa rin itong dadaan sa Malakanyang para sa final issuance.

Sa kabuuang halaga, sinabi ni Azcona na 200,000 MT ang ilalaan para sa mga end-user habang 240,000 MT ang itatakda bilang dalawang buwang buffer stock.