-- Advertisements --
ROXAS CITY – Pansamantalang ipinagbawal ang importasyon ng live pigs, pork, and pork-related products para mapigilan ang pagpasok ng African swine fever (ASF) sa lalawigan ng Capiz.
Nagpalabas ng Executive Order (EO) No.014 series of 2019 si Capiz Governor Esteban Evan Contreras na nagbabawal sa pag-angkat ng mga meat products mula sa Luzon at apektadong bansa.
Binalaan din ang mga negosyante na iwasan ang mag-angkat ng mga processed at frozen meat na galing sa mga bansaang may reported cases ng ASF.
Una nang nagpalabas nang abiso ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na nagbabawal sa pagbili at pagkunsumo ng mga processed meat products mula sa mga bansa na kilalang apektado ng ASF.