-- Advertisements --

Ipinagbabawal na ngayon sa Estados Unidos ang pag-angkat ng langis mula sa Russia.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo na resulta naman nang mas tumitindi pang tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

In-anunsyo mismo ito ni US President Joe Biden sa kanyang address mula sa White House at sinabing ipinagbabawal na aniya ang lahat ng pag-angkat ng langis, gas, at energy mula sa Russia.

Dahil dito ay hindi na aniya tatanggapin pa sa mga US ports ang Russian oil.