Binigyang-diin ng Malacañang na hindi nila kinikilala ang pang-aangkin ng China sa kabuuan ng South China Sea kabilang na ang bahagi ng teritoryo ng bansa.
Pero nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, gaya ng sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa paningin ng China ay sila ang ligal na nagmamay-ari sa kabuuan ng South China Sea dahil sa kanilang “Nine Dash Line” theory.
Ayon kay Sec. Panelo, dahil sa kanilang paniniwalang ito, nagtayo sila ng mga imprastraktura sa pinag-aagawang teritoryo at sila ngayon ang nakaposisyon doon.
Ito aniya ang ibig sabihin ni Sec. Panelo sa kanyang pahayag na may “constructive possession” ang China sa West Philippine Sea.
Muli namang idinepensa ni Sec. Panelo ang pagpayag ng Pilipinas na makapangisda ang China sa ating karagatan partikular sa Scarborough Shoal.
Inihayag ni Sec. Panelo na nagdesisyon na ang Permanent Court of Arbitration na isang traditional fishing ground ang Scarborough at bukas ito sa pangingisda ng parehong bansa.
Iginiit na Sec. Panelo na hindi maaaring ilaban ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kung ano ang nakasaad lang sa ating Konstitusyon, kundi dapat ikonsidera rin maging ang international law na kinikilala rin ng bansa.
Samantala, ipinauubaya naman ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs ang pagtugon sa mga report na may namataang Chinese warships na dumadaan sa ating karagatan malapit sa Tawi-Tawi.
“We are not, as far as we are concerned, we have been ruled to be owning of portion of territory, or we have exclusive right to a particular territories,” ani Sec. Panelo.