Naglabas ng note verbale ang Malaysia upang pormal na tutulan ang pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah.
Sa dokumento na isinumite ng Permanent Mission of Malaysia sa United Nations, nakasaad na hindi kailanman kinikilala ng Kuala Lumpur ang claim ng Pilipinas sa sa isla ng Sabah, na kilala dati bilang North Borneo.
Isinama rin sa sulat ang inilabas na desisyon ng Judgement of the International Court of Justice sa pag-angkin ng Maynila sa pinagtatalunang teritoryo.
Maging ang opinyon ni Judge Ad-hoc Thomas Franck tungkol sa isyu ng teritoryo sa Sabah ay kasama rin sa liham.
“In light of the clear exercise by the people of North Borneo of their right to self-determination, it cannot matter whether this Court, in any interpretation it might give to any historic instrument or efficacy, sustains or not the Philippines claim to historic title,” saad sa opinyon ni Franck.
“Modern international law does not recognize the survival of a right of sovereignty based solely on historic title: not in any event, after an exercise of self-determination conducted in accordance with the requisites of international law, the bona tides of which has received international recognition by the political organs of the United Nations,” dagdag nito.
“In light of the above, the Republic of the Philippines’ claim to North Borneo clearly has no basis under international law,” pahayag ng Malaysia sa note verbale.
Ang naturang dokumento ay sagot na rin sa note verbale na ipinadala ng Manila tungkol naman sa Kalayaan Group of Island na pag-aari rin umano ng Pilipinas.
Magugunitang muling lumutang ang isyu nang ihayag ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr na hindi bahagi ng Malaysia ang Sabah.
Nauwi naman ito sa iringan sa pagitan nina Locsin at Malaysian Foreign Affairs Minister Hishammuddin Hussein halos isang buwan na ang nakalipas.