-- Advertisements --

Muling ipinagpaliban ang pag-anunsyo ng Academy of Motion Pictures Arts & Sciences ang kanilang Oscars nomination sa nagaganap pa rin na wildfire sa Los Angeles.

Ayon sa organizers na isasagawa na lamang ito sa darating na Enero 23.

Sa orihinal kasi na plano ay isasagawa sana ang anunsiyo nitong Enero 17 at nailipat sa Enero 19 subalit dahil sa wala pa ring tigil ang paglaki ng apoy ay kanila itong ipinagpaliban.

Sinabi naman nina Academy CEO Bill Kramer at Academy President Janet Yang na mahalaga na iprioridad muna ang pag-apula ng sunog bago ang pagpapatuloy ng kanilang botohan ng nominado.