Nilinaw ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela na dapat aprubado muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng National Maritime Council na i-anunsiyo sa publiko ang pagsasagawa ng regular rotation and resupply missions sa military outpost ng bansa na BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.
Nitong araw ng Biyernes, inirekomenda ito ng konseho na pinamumunuan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Pangulo sa naging pagpupulong sa Palasyo Malacañang.
- Insidente sa Ayungin Shoal di maituturing na armed attack – Sec. Eduardo Ano
- Aksiyon ng China sa Ayungin Shoal laban sa PH forces sinadya, polisiya ng PH sa WPS ‘di nagbabago – defense chief
- RoRe mission sa BRP Sierra Madre ‘di na isapubliko; June 17 incident hindi isang misunderstanding- defense chief
- PH hindi gagamit ng puwersa o pananakot sa WPS na magreresulta sa giyera – PBBM
Base kay Bersamin wala itong nakikitang mali sa paga-anunsiyo ng RoRe missions na mananatili naman umanong routinary at regular.
Isinagawa ang pagpupulong matapos ipag-utos ni Pangulong Marcos sa concerned Cabinet secretaries na talakayin ang panibagong insidente sa Ayungin shoal na ikinasugat ng 7 tauhan ng Philippine Navy kabilang ang isang matinding nasugatan na naputulan ng daliri.
- Panghaharass ng China Coast Guard sa WPS, pambabastos sa karapatan ng bansa – Legal & Political Consultant
- Mga mangingisda sa Zambales, nababahala sa paglapit ng mga barko ng CCG sa pampang ng Masinloc
- Pahayag nina Executive Sec. Bersamin at Sec. Teodoro sa Ayungin incident, magkaiba?
Samantala, sa isang pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni Comm. Tarriela na patuloy na magtutulungan ang AFP at PCG sa pagsasagawa ng resupply missions sa hinaharap.
Mananatili din aniyang ikokonsidera ang resupply operation bilang ordinaryo, lehitimo at routine operation ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.