-- Advertisements --
Taylor Swift
Taylor Swift/ IG post

Marami ang humanga sa ginawang pag-disguise ni Taylor Swift bilang lalaki sa kaniyang bagong music video.

Makikita sa bagong music video nito na “The Man” na nagpalit ng anyong lalaki ang singer kung saan may balbas pa ito at bigote.

Sa music video nag-sigarilyo at pumasok pa ito sa isang strip-club ang male business executive na si Swift.

Mula ng mapanood ng fans ay hindi maiwasang mamagha at humanga ang ilang milyong fans nito sa iba’t-ibang panig ng mundo.