Itinuturing ng Pharmaceutical firm na Faberco Life Sciences Inc. (Faberco) na malaking tulong ang hakbang ng Philippine Food and Drug Adminstration (FDA) na pag-apruba sa emergency use ng Molnarz na isang brand ng antiviral drug na Molnupiravir sa nagpapatuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Inaprubahan ng FDA ang emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 pill ngayong buwan.
Aprubadong gamitin ang naturang pill para sa treatment ng mild to moderate COVID-19 patient na edad 18 pataas.
Ayon sa Faberco, epektibo ito sa anumang variants ng COVID-19 at ito ang unang oral antiviral drug na kayang mapigilan ang mild to moderate cases ng COVID na maging severe disease na nangangailangan ng hospitalization.
Sinimulan na ang pamamahagi ng naturang gamot sa ilang pribadong ospital sa bansa noong Nobyembre sa ilalim ng compassionate permit mula sa FDA.