-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Suportado ng Philippine Military Academy (PMA) ang pagpasa ng Kamara sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) bilang bahagi ng curriculum ng academe ng senior high schools.
Ayon kay Lt. General Ronnie Evangelista, AFP Superintendent ng PMA, maglalaan sila ng malaking suporta sa planong pagbalik sa ROTC sa mga estudyante.
Aniya, kailangang maturuan ang mga kabataan ng patriotismo at nasyonalismo sa pamamagitan ng disiplinang malilinang sa ROTC.
Umaasa si Evangelista na makakatulong ang pagsasagawa ng mandatory ROTC hindi lamang sa mga kabataan kundi sa kabutihan ng buong Pilipinas.