-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ikinokonsidera na initial victory para sa mga manggagawa ang na-aprubahan ng House Committee on Labor and Employment na panukalang batas na 200-pisong umento sa sahod ng mga trabahante sa private sector.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Sonny Matula, presidente ng Federation of Free Workers, welcome para sa mga manggagawa ang nasabing panukala na matagal na umanong natulog at nagising lamang matapos sinuportahan ni House Speaker Martin Romualdez.

Malaking tulong umano ito upang may panlaban sa mataas na inflation.

Hindi umano ito maging pasanin ng mga negosyante bagkus mas tataas pa kanilang kita dahil seguradong sa bansa rin gagastusin ang kanilang pera.