-- Advertisements --

Welcome umano para sa Department of Health (DOH) ang pagkakapasa ng Sin Tax Reform Bill sa Kongreso.

“We are one step closer to enacting this bill that seeks higher tobacco excise taxes into law,” saad ni DOH Sec. Francisco Duque III sa isang pahayag.

“On behalf of the Department of Health, I extend my gratitude to the Department of Finance led by Secretary Sonny Dominguez and our legislators at both houses of Congress for fighting with to protect the health of every Juan and Juana,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Duque, nasa 200,000 Pilipino raw ang maililigtas sa mula sa masamang epekto ng paninigarilyo pagsapit ng 2023.

Sinasabing dahil sa aprubadong panukalang batas, mapapababa pa raw nito ang smoking prevalence sa bansa ng hanggang 20 porsyento.

Ayon pa sa kagawaran, sakaling malagdaan na ito bilang ganap na batas, pupunan nito ang P40-bilyong funding gap sa pagpapatupad ng Universal Health Care law.